Saturday, February 26, 2011

MindaNOW

Marami sa mga taga-Maynila ang takot pumunta sa Mindanao. Sino naman ang hindi matatakot kung puros bombahan, patayan, kidnapping, samahan mo pa ng di matapos-tapos na usaping terorismo ang makikita mo sa mga balita sa telebisyon? Kung dito pa lang sa Maynila takot na ang mga tao sa mga uri ng krimeng laganap sa syudad, paano pa kaya ang mala-war zone na impresyon namin sa Mindanao? Kaya naman nang ako'y maatasang pumunta sa Mindanao upang libutin ang ilang mga unibersidad doon, nakaramdam ako ng bahagyang takot. Bahagya sapagkat hindi naman ako ipadadala sa mga lugar na talagang mapanganib. Maswerte ako na napatunayan kong mali ang impresyon naming ito sa Mindanao. Maswerte ako na makatagpo ng mga taong ang ibig lamang ay ang makipagkaibigan. Maswerte ako na naibahagi nila sa akin ang kanilang mayamang kultura. Napakaganda ng Mindanao. Nakalulungkot lang na ang ilan sa atin ay hindi matanggal-tanggal ang takot sa mga rebeldeng naglipana sa mga bulubundukin doon. Ang maipapayo ko lang, mula na rin sa mga aking kakilala na higit na nakaaalam ng mga pasikut-sikot sa lugar, maging maingat. Maging alerto sa mga tao sa paligid. At higit sa lahat, manalangin. Yan lamang ang tangi mong sandata upang malayo ka sa kapahamakan.


2 comments:

  1. Hi Mia!
    Congratulations on your successful trip!
    I'm excited to hear your stories!
    See you monday! :)

    ReplyDelete
  2. Thanks Ms. Kathy. I can't wait to see everyone. :)

    ReplyDelete

Real Time Analytics