Isa sa mga pinakamainit na pinaguuusapan sa Pilipinas ay ang pagsulong ng Reproductive Health Bill. Saklaw nito ang pagpapalaganap ng family planning upang maiwasan ang patuloy na paglobo ng populasyon sa bansa. Isinasaad din sa proposisyon ang pangangalagang pangkalusugan ng mga babae, lalung-lalo na ng mga ina at ng mga bata. Ngunit kung gaano man karami ang sumusuporta rito ay ganoon din naman karami ang nais kumontra. Isa sa mga nangunguna sa pagtaligsa sa pagpapasa ng RH Bill ay ang simbahang Katoliko. Iginigiit ng simbahan na anumang metodo ng pagkokontrol sa pagkakaroon ng anak ay isang kasalanan. Isa sa mga nagsulong ng proposisyon na ito ay si Sen. Miriam Defensor Santiago.
Si Defensor ang isa sa mga tinitingala at kung minsan kinukutya sa kanyang matapang na pananalita.
Si Defensor ang isa sa mga tinitingala at kung minsan kinukutya sa kanyang matapang na pananalita.
- Isinilang noong 1945 sa lungsod ng Iloilo
- Tumakbo bilang Pangulo noong 1992 ngunit nabigo
- Unang naging senador noong 1995 at nananatili sa serbisyo hanggang sa kasalukuyan
- Matapang at paklabang mambabatas
- Isang inang naulila ng anak
Hindi lamang si Santiago ang kilala sa pagiging matapang. Kamakailan lamang ay nakilala ng mundo ang bagsik ng kamao ni Ana "The Hurricane" Julaton. Siya ang kauna-unahang babaeng Fil-Am na nakasungkit ng titulo sa Women's WBO Super Bantamweight at IBA Super Bantamweight. Sa kasamaang palad, sya'y hindi nagtagumpay sa kanyang huling laban. Gayunpaman, patuloy pa rin sya sa pag-eensayo para sa kanyang susunod na match.
- Ipinanganak noong 1980 sa San Francisco, California.
- Nagsimulang mag-boxing noong 2004
- Binansagang "The Hurricane" dahil sa angking bilis at lakas sa pagsuntok
- Laki man sa Amerika, ngunit nananatiling Pilipino sa dugo
Kung lakas lang din naman ang pag-uusapan, walang dudang si dating Pangulong Corazon Aquino na yata ang may pinakamalaking impluwensya sa pamumuhay natin ngayon. Hindi lamang dahil sya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas kundi dahil sya rin ay isa sa mga instrumento ng mapayapang rebolusyon upang mapatalsik ang diktador na si Marcos. Sinong mag-aakala na ang isang simple at tahimik na babae ang makapagpapataob sa diktaduryang Marcos noong 1986? Inilarawan sya ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan bilang isang mapagmahal na ina, matapat na opisyal ng pamahalaan at taong may malakas na pananampalataya sa Dyos. Kaya naman kahit sa kanyang pagpanaw, milyun-milyong Pilipino ang nag-alay ng kanilang panalangin at sama-samang naghatid sa kanya sa huling hantungan.
- Ipinanganak noong 1933 mula sa angkan ng mga Cojuangco
- Kabiyak ni dating Sen. Benigno Aquino, Sr. at ina ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas, Benigno Aquino, Jr.
- Ina ng Demokrasya
Marahil hindi magiging palaban ang mga babaeng nabanggit kung wala si Gabriela Silang. Siya marahil ang naging inspirasyon ng mga ito upang ipagtanggol kung ano ang nararapat at kung ano ang makabubuti para sa lahat. Ang dugo ni Gabriela Silang ay patuloy na mananalaytay sa ating lahat. Panalangin ko'y sana hindi ito mamatay.
- Ipinanganak noong 1731 sa Ilocos Sur
- Asawa ni Diego Silang
- Binitay sa layuning ipaghiganti ang pagkamatay ng asawang si Diego mula sa mga kamay ng mga mananakop
- Asawa, BAYANI
Hindi ko man maisa-isa ang mga babaeng may malaking kontribusyon sa lipunan, dito man sa Pilipinas at sa buong mundo, mananatiling nagpupugay ang aking puso sa karangalang handog ninyo para sa lahat. Saludo kami sa inyong angking talino, tapang at pagmamahal sa bayan.
Kasabay ng pagdiriwang ng International Women's Month, nais ko kayong anyayahan na tunghayan ang kwento ng 3 babaeng iba't ibang ang pinagmulan ngunit iisa ang isinisigaw ng damdamin. Ang Ganap na Babae (Garden of Eve) ay ipalalabas sa DL Umali, University of the Philippines Los BaƱos bukas, ika-10 ng Marso sa ganap na alas singko hanggang alas siyete at kalahati at alas otso hanggang alas dyis ng gabi. Magalak din akong iparating sa inyo na ang Ganap na Babae ay isa sa mga pelikulang nakasali sa Soho International Film Festival NYC (April 12-15, 2011)
Kasabay ng pagdiriwang ng International Women's Month, nais ko kayong anyayahan na tunghayan ang kwento ng 3 babaeng iba't ibang ang pinagmulan ngunit iisa ang isinisigaw ng damdamin. Ang Ganap na Babae (Garden of Eve) ay ipalalabas sa DL Umali, University of the Philippines Los BaƱos bukas, ika-10 ng Marso sa ganap na alas singko hanggang alas siyete at kalahati at alas otso hanggang alas dyis ng gabi. Magalak din akong iparating sa inyo na ang Ganap na Babae ay isa sa mga pelikulang nakasali sa Soho International Film Festival NYC (April 12-15, 2011)