Bwisit! Bwisit! Bwisit! Sinabihan mo pa ako tapos ikaw rin pala ang makalilimot!
Walang hiya sila! Palibhasa hindi na ako nagtatrabaho para sa kanila ay basta-basta na lang nilang kalilimutan ang obligasyon nila sakin. Hindi katanggap-tangap ang dahilan nilang nakalimutan nilang isama sa kompyutasyon ang nalalabi kong sweldo. Ito na lang ang natitirang obligasyon ng kanilang kumpanya sa akin bilang dating empleyado. Hindi ko sukat akalain na gagawin nila ang ganitong bagay sa akin. Sa aking pagkakaalala, hindi naman ako nagkulang sa kanila. Lahat ng kailangan kong gawin ay ginawa ko nang buong husay at walang halong kasinungalingan. Kahit sabihin pa nilang ibibigay nila sa ika-18 ang aking sahod, hindi pa rin katangap-tanggap na ipinagsawalang bahala nila ang bagay na ito. Tama nga ang desisyon kong lisanin ang kanilang kumpanya. Ngunit, panandalian lamang ang galit na ito. Sa paglipas ng araw, hindi ko rin masasabi sa kanila ang hinaing kong ito. Nakalulungkot.
Chill Mia chill! Hindi talga excuse yun. E ako nga part time parin ang computation sa akin e. Buti nga naayos na. Hahahaha!! Wag ka magalala, ako mag papaalala sa kanila. Rakenrowl!!
ReplyDeleteWell, nasabi ko na kay James ang hinaing ko. Lilipas rin ang init ng aking ulo.
ReplyDelete